SISIMULAN na ngayong Martes, Enero 14, 2025 ang trial hinggil sa impeachment ni South Korean President Yoon Suk Yeol.
Kaugnay ito sa kaniyang panandaliang pagdedeklara ng Martial Law noong Disyembre 2024.
Mapapansing nagdulot ito ngayon ng kaguluhan sa politika sa South Korea.
Mula rito, mayroon lang 180 araw ang Constitutional Court na magdesisyon kung tuluyang tanggalin na sa puwesto si Yoon o ibalik bilang pangulo ng South Korea.