DUMULOG sa National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division ang anak ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo na si Tricia Robredo.
Ito ay upang mapa-imbestigahan ang mga kumakalat na mapanirang videos gamit ang kanyang pangalan.
Sa sulat na ipinadala ni Tricia Robredo sa NBI sa pamamagitan ng kanyang abogado, hiniling nito sa ahensya na alamin kung ano ang posibleng cybercrimes na ginawa laban sa kanya.
Nagbigay rin ito ng preliminary list ng mga link na maaaring makita ng NBI na kapaki-pakinabang sa pagsisiyasat nito at sa pag-uusig sa mga sangkot.
Sa ngayon ay natukoy na ng NBI ang ilan sa mga administrators na lumikha ng malisyosong post laban sa kanyang kapatid na si Aika Robredo.
Nakatakdang magpadala ang NBI ng sulat sa mga ito para alisin ang naturang mga posts.