Tricycle drivers sa Makati, makatatanggap ng financial assistance

IPINAG-utos na ni Makati City Mayor Abby Binay ang pag-release ng inisyal na 2, 000 financial assistance para sa mga tricycle driver ng lungsod.

Partikular sa mabibigayan ng ayuda ang 5, 946 na tricycle driver na apektado ng umiiral na enhanced community quarantine.

Masasakop nito ang unang dalawang linggo ng community quarantine.

Samantala, kasalukuyan na ring minamadali ng local government ng Makati ang hiwalay na financial package para naman sa mga Jeepney driver.

Matatandaang isang buwang inilagay ni Pang. Rodrigo Duterte sa enhanced community quarantine ang Luzon kung saan suspendido ang mass public transpo sa Luzon.

Samantala, pagkakalooban din ng financial assistance ng Department of Labor and Employment ang lahat ng mga displaced workers ng mga pribadong sektor.

Ito ang kinumpirma ni Senator Joel Villanueva sa isang pahayag.

Ang naturang cash assistance na nagkakahalaga P5, 000 ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Department Order No. 209 na nagco-cover sa guidelines ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP).

Nakapaloob sa naturang department order na ang cash assistance ay para sa mga manggagawa na nasa ilalim ng polisiyang ‘No Work, No Pay’ pero kailangang manatili sa kanilang tahanan dahil sa enhanced community quarantine.

Humiling naman si Villanueva na siyang chairmain ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resources Development sa mga displaced workers na gamitin na lamang ang naturang cash assistance sa kanilang mga pangangailangan at huwag nang magpumilit pang pumasok.

Dahil ani Villanueva mas lalaki pa ang magagastos ng pamahalaan kung sila ay matatamaan ng COVID-19.

SMNI NEWS

One thought on “Tricycle drivers sa Makati, makatatanggap ng financial assistance

Leave a Reply

Your email address will not be published.