SUSPENDIDO sa loob ng 25 game si Tristan Thompson ng Cleveland Cavaliers.
Ito’y dahil nagpositibo sa mga ipinagbabawal na gamot ayon sa NBA gaya ng growth hormone na ibutamoren at isang bodybuilding supplement.
Nagsimula na ang suspensiyon ng manlalaro ngayong araw, Enero 24 kasabay ang laban ng Cavaliers kontra Milwaukee Bucks.
Maaari naman itong makapaglaro muli sa Marso 16 kung saan makakalaban nila ang Houston Rockets.