Tropa ng 2ID nakaengkuwentro ang NPA sa Camarines Norte

Tropa ng 2ID nakaengkuwentro ang NPA sa Camarines Norte

MULING nakaengkuwentro ng tropa ng 2nd Infantry Division (2ID) ang salot na teroristang News People’s Army (NPA) sa bukana ng Brgy. Pag-asa at Brgy. Dumagmang sa Labo, Camarines Norte.

Base sa ulat ng 201st Infantry Brigade, sila ay nagsagawa ng routine security operations sa nabanggit na lugar dahil sa sumbong ng mga residente na may presensiya ng armadong grupo.

Ang nabanggit na operasyon ay nagresulta sa palitan ng putok matapos na unang pinaputukan ng rebeldeng grupo ang tropa ng militar.

Tumagal ng 25 minuto ang barilan ng dalawang panig bago umatras ang mga terorista dala ang hindi pa mabilang na sugatan nilang kasamahan, wala namang nasugatan sa panig ng mga sundalo.

Narekober ng mga sundalo ang isang M16 rifle, isang magazine na may 16 na rounds ng bala, 2 cellular phones, mga personal na gamit, mga pagkain, at mga subersibong dokumento.

Pinasalamatan naman ni 2ID Commander Maj. Gen. Cerilo Balaoro Jr. ang mga residente na tumutulong sa kanila na makamit ang kapayapaan sa kanilang nasasakupan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble