PINURI ni Western Mindanao Command Chief, Maj. Gen. Steve Crespillo ang kasundaluhan ng WestMinCom matapos ang nangyaring engkuwentro sa pagitan ng tropa ng militar laban sa umano’y mga miyembro ng Daulah Islamiyah sa Brgy. Malaginding, Tubaran, Lanao del Sur.
Sa nasabing engkuwentro nabawi ng 3rd Scout Ranger Battalion ang dalawang matataas na kalibre ng baril gaya ng rocket-propelled grenade at isang M1 Garand rifle.
Ayon pa sa WestMinCom commander, sa bawat armas na kanilang nababawi mula sa nasabing grupo ay indikasyon ng paghina ng mga ito.
Dagdag pa ng opisyal, patuloy nilang gagawin ang kanilang mga operasyon upang mapanatili ang kapayapaan sa komunidad na kanilang nasasakupan.