Tropa ng militar patuloy ang pagtugis sa mga NPA na naka-engkwentro sa Agusan del Norte

Tropa ng militar patuloy ang pagtugis sa mga NPA na naka-engkwentro sa Agusan del Norte

MULI na namang nagdulot ng malaking pinsala ang tropa ng pamahalaan laban sa communist terrorist groups (CTGs) matapos ang nangyaring engkwentro sa kabundukang bahagi ng Barangay Hinimbangan, Kitcharao, Agusan del Norte.

Nakasagupa ng mga tropa ng 30th Infantry Battalion at 29th Infantry Battalion ng Philippine Army ang humigit-kumulang anim na miyembro ng Communist NPA Terrorist (CNT) ng SRSDG Westland, NEMRC na pinamumunuan ni

Tumagal ng limang minuto ang naturang engkwentro na nagresulta sa pagkakakumpiska ng isang M16 rifle na may magasin, isang caliber .45 na may magasin, at iba pang mga personal na kagamitan.

Ayon kay Brigadier General Arsenio Sadural, Kumander ng 901st Brigade, ang mga terorista ay nagtatangkang magbanta sa mga sibilyan sa nasabing lugar.

Binigyang-diin ni Sadural na mismong ang mga residnete na ang umaayaw sa mga maling gawain ng komunistang grupo at nagsusumbong sa mga otoridad kung saan nagtatago ang mga rebeldeng grupo.

“The people are no longer deceived by the CTGs’ propaganda, and instead, they’re seeing the true nature of these communists. The community now yearn for a peaceful life, free from fear and the destruction caused by these remnants of the Communist Terrorists,” ayon kay BGen. Arsenio Sadural, Commander, 901st Brigade, PA.

Kaugnay nito ipagpapatuloy ng 901st Brigade ang pagtugis sa mga natitirang CTGs sa pamamagitan ng mga operasyon upang matiyak na mananatiling mapayapa ang rehiyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble