TINALO ng TNT Tropang Giga ang Brgy. Ginebra San Miguel sa naging laban nila nitong Marso 19, 2025.
87-85 ang naging score pabor sa TNT at ang 24 points ni Rey Nambatac ang nanguna sa panalong ito.
Ibig sabihin, nakadalawang panalo na ang Tropang Giga kumpara sa isang beses pa lang ng Gin Kings.
Sa naturang game, nag-ambag din ng 20 points si Rondae Hollis-Jefferson habang 16 points mula kay Calvin Oftana.
Si Glenn Khobuntin ay may ambag naman na 10 points.
Ito na ang Game 3 ng best-of-seven finals ng 49th season ng PBA Commissioner’s Cup.
Ang sinumang koponan na maunang manalo rito ng apat na beses ang siyang tatanghalin na kampeon.
Samantala, ang Game 4 ay gaganapin sa Marso 21 sa Ynares Center, Antipolo.