NAHATULANG guilty ang family business ni Donald Trump sa kasong tax fraud ng New York jury sa kalagitnaan ng plano nitong muling tumakbo bilang presidente ng White House sa darating na eleksyon.
Ang Trump Organization at separate entity na Trump Payroll ay nahatulang guilty on all counts at ito rin ang unang beses na nahatulan ang mga kompanya ng mga krimen.
Ayon kay Manhattan District Attorney Alvin Bragg na siyang naging prosecutor ng kaso, ito ay kaso tungkol sa pagiging sakim at pandaraya.
Ang dalawang business entities na na-convict ay tumatakbo na sa loob ng 3 taon upang i-defraud at umiwas sa tax sa pamamagitan ng palsipikasyon ng mga business records.
Napagkasunduan ng mga jurors at prosecutor na ang Trump Organization na kasalukuyang pinapatakbo ng dalawang anak ni Trump na si Donald Jr. at Eric Trump na tinago ng mga ito ang compensation na ipinambayad ng mga ito sa mga top executives ng kompanya sa pagitan ng mga taong 2005-2021.