NAGLABAS na rin ang Pulse Asia ng resulta mula sa kanilang Setyembre 6 hanggang 13, 2024 na survey.
Batay rito, pawang 50% ang approval at trust ratings ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Si Vice President Sara Duterte, nasa 60% ang approval rating habang 61% ang trust rating.
Si Senate President Francis Escudero, nasa 60% rin ang approval rating nito habang 56% ang trust rating.
Si House Speaker Martin Romualdez ay nasa 32% ang approval habang 31% ang trust ratings.