Trust rating ni Speaker Romualdez, tumaas

Trust rating ni Speaker Romualdez, tumaas

NAKAKUHA ng mataas na marka si House Speaker Martin Romualdez sa pinakahuling ‘Tugon ng Masa’ survey ng OCTA Research.

Sa first quarter survey ng OCTA, 55% trust rating ang nakuha ni Romualdez kumpara sa huling survey sa nakaraang taon.

Ayon sa OCTA, +17% ang nakuha ni Romualdez ngayong first quarter at may +15% rating sa 2 nagdaang survey periods.

Para naman sa mga mambabatas, welcome development ang resulta ng survey dahil nakikita ang pagkakaisa nila sa Kamara para ipasa ang priority legislation ng administrasyon.

Ayon naman kay Cavite Rep. Pidi Barzaga, mas ganado sila ngayong magtrabaho dahil sa mataas na trust ratings ng kanilang Speaker dahil kinakatawan nito ang buong Mababang Kapulungan.

“This will certainly inspire us to do more, strive better, and work harder to serve the Filipino people,” ani Barzaga.

Aniya, hindi naman sila nagtratrabaho para sa mataas na ratings sa survey, pero tunay na nakakatuwa kapag alam nilang nakikita ng ating mga kababayan ang magandang ginagawa hindi lamang ng Kongreso kundi pati na ang buong Marcos administration.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter