Trust rating para kay PBBM at VP Sara, nananatiling mataas—OCTA Research

Trust rating para kay PBBM at VP Sara, nananatiling mataas—OCTA Research

NANANATILING mataas ang porsiyento ng mga Pilipinong may tiwala kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte.

Sa inilabas na resulta ng survey na isinagawa ng OCTA Research noong Hulyo 2023, 75% ang nakuhang trust rating ni Pangulong Marcos.

Bahagya nga lang itong mababa kung ikukumpara sa 83% na nakuha ng Pangulo noong Marso 2023.

Ang Metro Manila ang may pinakamataas na trust rating para kay Pangulong Marcos.

Samantala, si VP Sara ay nakakuha ng 83% batay sa Hulyo 2023 survey ng OCTA Research na bahagya ring mababa kung ikukumpara sa 87% nito noong Marso.

Pinakamataas ang trust rating para sa Ikalawang Pangulo mula sa Mindanao.

Maliban sa dalawang matataas na posisyon sa pamahalaan, si Senate President Migz Zubiri ay nakakuha ng 56% trust rating habang si House Speaker Martin Romualdez ay nakakuha ng 54%.

Follow SMNI NEWS on Twitter