LALONG sumadsad ang tiwala ng taumbayan kay Bongbong Marcos batay sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.
Sa mga nabanggit na opisyal, sino sa kanila ang pinaka-pinagkakatiwalaan ninyo at sino ang hindi?
Iyan ang pinasagutan ng Pulse Asia sa kanilang June 17-24 survey sa mahigit 2,000 adult respondents sa buong bansa.
Sa survey na inilabas ilang araw bago ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Bongbong Marcos ay lalong sumadsad ang trust ratings ng Pangulo sa 52% mula sa 57% nitong March survey ng Pulse Asia.
“Nilagay ka namin diyan, nilagay namin kayo diyan, kailangang baguhin niyo naman ang aming kalakaran sa buhay hindi ‘yung lalo niyo kaming napapahirapan dahil hindi ninyo tinutugunan,” saad ni Atty. Salvador Panelo, Former Presidential Legal Counsel.
Nakakuha rin ng pinakamababang trust rating si Marcos Jr. mula sa mga taga-Mindanao na nagbigay lang sa kaniya ng ‘failing grade’ na 35% mula sa dating 38%.
Sinundan naman ito ng mga taga-Visayas na nagbigay ng 54% sa dalawang magkasunod na survey.
Magugunita na nagkaroon ng marahas na pag-atake ang pinagsanib na puwersa ng PNP-SAF at CIDG sa mga religious compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City at Sarangani Province.
June 10, 2024 ito nangyari—isang linggo bago nagsagawa ng survey ang Pulse Asia sa buong bansa.
“Puro pulitika ang nasa isip niyo. Pagpapalawig ng inyong mga termino. Paninira ang ginagawa ninyo. Inaapi niyo, inuusig niyo ‘yung inyong mga kalaban. ‘Yan ang dahilan kung bakit mababa ang kanilang mga rating,” dagdag ni Panelo.
Ang marahas na operasyon ng mga armadong awtoridad ay kinondena ng maraming Pilipino sa buong mundo.
Dahil dokumentado ng KOJC ang panggigipit sa mga manggagawa ng simbahan sa nasabing operasyon.
VP Sara Duterte, napanatili ang mataas na trust ratings sa magkasunod na Pulse Asia Survey
Sa kaparehas na survey, nananatiling pinaka-pinagkakatiwalaang opisyal ng pamahalaan si Vice President Sara Duterte sa 71%.
71% din ang nakuha niya sa March 2024 survey.
95% din ng mga taga-Mindanao ang tiwala kay VP Sara sa dalawang magkasunod na survey.
Bukod kay Marcos Jr. ang pinsang buo nito na si Speaker Martin Romualdez, kulelat pa rin sa trust ratings sa 31% at 35%.
Nauna nang umani ng puna sina Marcos Jr. at Romualdez dahil sa kawalan ng konkretong programa para sa mga Pilipino.
Sa halip, pinagtuunan ng pansin ang pamimigay ng ayuda kasabay ng pa-concert sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Foreign relations scholar, binigyan ng bagsak na marka ang foreign policy ni Marcos Jr.
Samantala, bagsak naman ang marka ng Marcos Jr. government pagdating sa foreign policy.
Lalo na’t mas tumindi ang tensiyon sa South China Sea sa kaniyang termino dahil sa labis na alyansa sa mga Amerikano.
Ayon sa Foreign Relations Scholar na si Sass Rogando Sasot, binuwag ni Marcos Jr. ang ‘friends to all enemies to none’ na foreign policy ng sinundan niyang si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Foreign policy na noong campaign period ay ipinangako ni Junior na ipagpapatuloy.
“Well, foreign policy wise I give the Bongbong Administration a failing grade. Super failing grade,” ayon kay Sass Rogando Sasot, Foreign Policy Scholar.
Bilang pagkontra sa labis na pagpapagamit sa mga Amerikano, ang China at Russia—dalawang nuclear superpower na mga bansa – ay nagsasagawa na ngayon ng joint naval drills sa South China Sea.
Nauna nang nagbanta si Russian President Vladimir Putin na ibabalik nito ang paggawa ng nuclear weapons matapos gawing imbakan ng nuclear warheads ng US ang Pilipinas pati na ang Denmark.
Kaya ayon kay Sasot, kung mapupulbos man ang Pilipinas dahil sa giyera, walang ibang sisisihin ang publiko kundi si Marcos Jr.
“Nakita natin ‘yung epekto ng kaniyang foreign policy right now. Hindi tayo mapakali, di ba? Siya na rin ang nagsabi the Philippines is now in the frontlines like in World War II. Sinabi niya ‘yan sa speech niya sa Australia,” ayon pa kay Sasot.