ISINAILALIM ang buong Tuguegarao sa sampung araw na Enhanced Community Quaratine (ECQ) upang mapigilan ang pagtaas ng COVID-19 transmission sa lugar.
Sinimulan namang ipinatupad ang ECQ kaninang 12:01 ng umaga, Enero 20 at magtatapos ito sa Enero 29 ng hatinggabi.
Sinabi ni Governor Manuel Mamba na nasa 40 percent na ang mga kaso ng kanilang local at community transmission.
Ayon kay Mamba, sa 373 COVID-19 cases sa probinsiya, nasa 236 ang naitala mula sa Tuguegarao.
Sinabi ng gobernador na ang pagtaas ng mga kaso ay posibleng resulta ng pagbaha sa probinsiya noong huling bahagi ng 2020 at matapos ang holiday season.