Tulfo, kinalampag ang SSS, PhilHealth at Pag-IBIG dahil sa mababang coverage compliance

Tulfo, kinalampag ang SSS, PhilHealth at Pag-IBIG dahil sa mababang coverage compliance

BINATIKOS ni Senator Raffy Tulfo ang napakababang compliance ng Social Security System (SSS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG) para sa coverage ng mga kasambahay.

Batay sa 2019 joint survey na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Department of Labor and Employment (DOLE), mayroong 1.4 milyong rehistradong domestic worker.

Sa 1.4M, 6% o 84,190 kasambahay lamang ang na-enroll ng kanilang mga employer sa SSS habang 5% o 74, 858 lamang ang nakarehistro ng pareho sa PhilHealth.

Ang malala pa, 3.4% o 51, 579 na kasambahay lamang ang na-enroll ng kanilang mga amo sa Pag-IBIG. Ang napakababang compliance na ito ang kinainit ng ulo ni Sen. Tulfo.

Binigyang-diin ni Tulfo, vice chairperson ng Senate Committee on Labor, na hindi sapat ang ginagawa ng mga ahensiyang ito upang matiyak na ang mga employer sa bansa ay nirehistro ang kanilang kasambahay at binabayaran ang SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG contribution ng mga ito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter