Tulong na naipamahagi sa pag-aalboroto ng Bulkang Mayon, aabot na sa P8-M

Tulong na naipamahagi sa pag-aalboroto ng Bulkang Mayon, aabot na sa P8-M

AABOT na sa higit P8-M ang halaga ng humanitarian assistance na naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.

Ayon sa DSWD, higit P8.4-M ay mula sa ahensiya habang ang P7-K ay mula sa ibang partner nito.

Halos 8,300 pamilya o 34,700 katao ang bilang ng pamilyang apektado mula sa Albay, Camalig, Daraga, Guinobatan, Ligao City, Malilipot, at Tabaco City.

Ayon sa DSWD-Bicol Region, patuloy ang kanilang mahigpit na pag-monitor sa kasalukuyang sitwasyon sa mga residenteng inilikas na pansamantalang nakatira ngayon sa mga evacuation center sa Albay.

Kaugnay nito, sinabi ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na nakaalerto rin ang Taal Team ng ahensiya na handang rumesponde sakaling lumala ang sitwasyon ng Bulkang Taal.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter