Tulong ng Japan sa Mindanao, pinasalamatan ni VP Sara

Tulong ng Japan sa Mindanao, pinasalamatan ni VP Sara

NAGPAPASALAMAT si Vice President Sara Duterte sa Japan sa ipinaabot nitong suporta hinggil sa development at peace process sa Mindanao.

Kasunod ito sa naging pagkikita nina VP Sara at Japanese Ambassador to the Philippines Endo Kazuya nitong Setyembre 17 para talakayin ang bilateral relations ng Pilipinas at Japan.

Kasama na nga dito ang economic at peace process development sa Mindanao Region.

Sa pahayag pa nga ng Japanese Embassy, tutulong sila na maging payapa at patas ang kauna-unahang eleksiyon na gagawin sa 2025 para sa Bangsamoro Parliament.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble