Tulong ng Kamara sa mga nilindol, natanggap na ng Turkish envoy

Tulong ng Kamara sa mga nilindol, natanggap na ng Turkish envoy

PORMAL nang natanggap ng Turkish government ang $100,000 na financial assistance ng Kamara para sa biktima ng lindol sa Turkiye.

Ang pondo ay hinugot sa Speaker’s Disaster Relief & Rehabilitation Initiative.

Mismong si House Speaker Martin Romualdez ang nag-abot ng tulong kay Turkey Ambassador to the Philippines Niyazi Evren Akyol sa Batasang Pambansa.

Nauna nang sinabi ni Speaker Romualdez na ang financial assistance ay pagtanaw ng utang na loob ng Pilipinas sa naunang pagtulong ng Turkey sa bansa noong tumama ang super typhoon Yolanda noong 2013.

Isa naman ang Turkiye sa mga pinakaunang nagpadala ng tulong sa hometown ni Romualdez sa Tacloban City at iba pang bahagi ng Eastern Samar.

“The assistance extended by Turkey, the United States (US) and our allies and friends abroad helped ease the pain and suffering of our people,” ani Romualdez.

 

Follow SMNI News on Twitter