Tulong para sa mga apektado ng oil price hike, inilatag ni President-elect BBM

Tulong para sa mga apektado ng oil price hike, inilatag ni President-elect BBM

NAGLATAG ng mga paunang solusyon si President-elect Bongbong Marcos kung paano matutulungan ang mga sektor na labis na apektado ng oil price hike.

Saad ni President-elect Marcos, magbibigay na lamang siya ng ayuda kaysa tanggalin ang excise tax dahil hindi naman ito nakatutulong sa mga lubos na naaapektuhan sa mataas na presyo ng petrolyo.

Titiyakin rin ni PBBM na mapupunta ang ayuda ng pamahalaan sa mga tinatamaan talaga kabilang na ang mga namamasada.

Sa ngayon aniya ay nagpapatuloy ang kanilang usapan sa mga bansang nag-alok na magsuplay ng krudo sa bansa.

Tinitingnan din nila ang iba pang paraan para mapababa ang presyo ng langis sa bansa.

 

Follow SMNI News on Twitter