Tulong umano ng Estados Unidos, scam lang─geopolitical analyst

Tulong umano ng Estados Unidos, scam lang─geopolitical analyst

AYON kay Herman “Ka-Menton” Laurel na isang geopolitical analyst, hindi mapapakinabangan ng mga Pilipino ang pangako ng Estados Unidos na $500-M na tulong.

Inihayag ni Herman “Ka-Menton” Laurel, isang geopolitical analyst sa eksklusibong panayam kaugnay sa sinasabing tulong ng Amerika sa Pilipinas.

Kamakailan ay bumisita ang dalawang matataas na opisyal ng Estados Unidos para ibigay umano sa Pilipinas ang $500-M na military financing at upang ipakita ang matibay na relasyon ng dalawang bansa.

Ngunit, napag-alaman na ang nasabing $500-M ay hindi pa aprubado ng mga mambabatas sa Amerika.

Kaya para kay Ka-Mentong, pakitang-tao lang ang ginagawa ng Estados Unidos.

“Pakitang tao po sila na nandidito sila. We are family sinasabi nila kay Bongbong Marcos. What kind would swindle Filipino people dahil ang pinopoproganda ngayon ay ang $500-M daw na tulong sa Pilipinas ng mga Amerikano,” ayon kay Herman “Ka-Mentong” Laurel, Geopolitical Analyst.

Binigyang-diin din nito na kahit matanggap pa ng Pilipinas ang ipinangako ng mga Amerikano ay hindi rin ito mapapakinabangan ng mga Pilipino dahil mapupunta lang aniya ito sa mga second hand o mga pinaglumaan na gamit-pandigma ng Amerika.

“Yan po ay puwedeng gamitin sa pagbili ng kagamitang pang giyera ng Estados Unidos na kadalasan po, hindi lang kadalasan, talagang lagi po mga second hand war equipment,” ani Laurel.

Paliwanag pa nito na ang China ay hindi kalaban ng mga Pilipino dahil kahit noon pa puro kalakal at pakikipagtulungan sa ibang bansa ang ginagawa ng China.

Kung meron mang kalaban, ito ay ang mga Amerikano dahil ayaw aniya ng Estados Unidos na umunlad ang Pilipinas, bagay na ginagawa ni Ferdinand Marcos Jr.

“Dahil po gumaganda na po ang ating ekonomiya dahil sa mga tulungan ni Presidente Duterte sa China, Chico River Irrigation Dam Project, Kaliwa Dam Project, ‘yong mga tulay sa Makati, Binondo, Davao ano yong projected around the whole of Mindanao, Bicol express bubuhayin sana lahat ‘yan kanselado nasaan after 2 years ni Bongbong, wala pa pong nagsisimula sa mga proyektong ito, tuwang-tuwa ang mga Amerikano diyan,” dagdag pa nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble