Tuloy-tuloy na e-sabong, may social cost – Sen. Ping Lacson

Tuloy-tuloy na e-sabong, may social cost – Sen. Ping Lacson

MAS mainam na magpatupad ng istriktong panuntunan sa e-sabong kung hindi man ito isususpinde o ipatitigil ng executive department ayon kay Senator Ping Lacson.

Ayon sa senador, may social cost na kapalit ang patuloy na pamamayagpag ng e-sabong lalo na sa mga bata at matatanda na malululong sa sugal na ito.

Giit nito hindi dapat gawing 24 hours ang palaro sa e-sabong.

“At least man lang strict regulation. Huwag 24 hours. Dapat mahigpit (ang) regulatory authority ng PAGCOR,” ayon kay Lacson.

Nag-aalala rin sa panganib na dala ng online gambling si senatorial candidate Cong. Allan Peter Cayetano.

Samantala, inihayag ni PNP Spokesperson Col. Gen. Jean Fajardo na maaring ngayong araw, Biyernes ay sasampahan ng kaso ang walong suspek sa mga nawawalang sabungero.

Ayon kay Fajardo, kidnapping with serious illegal detention ang isasampa sa mga ito.

“Kasama sa sasampahan ng kaso ng CIDG, ito pong darating na Biyernes ay ‘yung walo na identified ng mga kaanak ng mga biktima pati na rin ‘yung isang witness na nagbigay ng statement na nakita niya ang aktuwal na pagkuha at pagsakay sa sasakyan nitong mga napaulat na mga nawawalang sabongero dyan nga sa Manila Cockpit Arena,” pahayag ni Fajardo.

Ayon naman kay Fajardo, naging malaking hamon sa ginawang pag-iimbestiga ay ang kawalan ng CCTV sa mga cockpit arena.

“Ito ‘yung isa sa mga hinarap na challenges ng ating mga imbestigador dahil dito sa mga cockpit arenas kung saan napaulat na nawawala itong 31 na mga sabongero na dokumento ng CIDG ay walang mga CCTV camera o kung mayroon man ay hindi gumagana diumano kaya ito ‘yung mga nakita nating striking similarity dito sa mga kasong hinahawakan ngayon ng CIDG,” ani Fajardo.

Tiniyak naman ng PAGCOR sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na inatasan na nito ang mga e-sabong operators na mag-install ng CCTV cameras.

Matatandaan na naging kautusan sa Memorandum Order ni Executive Sec. Salvador Medialdea kamakailan na dapat matiyak ng PAGCOR na compliant ang mga operators sa mga security and surveillance requirements.

Sa naturang kautusan, tuloy pa rin ang e-sabong habang gumugulong ang imbestigasyon ng mga otoridad.

“Sinulatan na po namin lahat ng operators namin pati po ‘yung kanilang mga licensed na cock fight or studios na in seven days mag-install sila ng CCTV hindi lang doon sa gaming area o kung saan naglalaro ang sabong kundi sa loob ng cockpits at saka doon sa labas ng perimeter at ito po sa ikawalong araw automatic na pupunta ang aming mga tao doon at ‘pag nakita namin na hindi pa rin sila nag-install ng necessary CCTVs ay amin nang isususpende o kung patuloy pa rin, may mga penalties hanggang sa cancellation,” pahayag ni Andrea Domingo, chairman ng PAGCOR.

Sinabi naman ni Pangulong Duterte na  katulad sa Kongreso mayroon ding sinusunod ang Malacañang pagdating sa paggawa ng desisyon.

Matatandaan na ang gusto ng Senado ay suspendihin muna ang operasyon ng online sabong na hindi naman siyang naging kautusan ng Malacañang.

“You should know that these are policies na sinusunod ng lahat, hindi ito basta-basta na ako lang ang magsalita o ako ang mag-decide.  Hindi sa akin ‘yan sa lahat ‘yan. Ito namang Cabinet they are the alter egos of the president so hindi kailangan magboto, the president just ask them to study. May departamento naman sila. Whatever ‘yung gusto nating gawin pag-aralan namin at sasabihin na namin kung ano ang desisyon,” pahayag ng Pangulo.

Nagpaliwanag naman si DOJ Secretary Menardo Guevarra sa naging legal opinion nito at ng SolGen pagdating sa e-sabong  na naging dahilan para i-regulate at payagan ng PAGCOR ang operasyon ng e-sabong.

Ayon kay Guevarra, dahil walang kapangyarihan ang mga LGU na mag-regulate nito dahil ginagawa ang e-sabong online kaya ibinase nila ang kanilang opinion sa kabuuang probisyon ng PAGCOR Charter.

“So it is the conclusion of the Office of the Solicitor General that the PAGCOR may have that kind of authority in the absence of such authority on the part of the LGUs. So subsequently the  opinion of the Department of Justice was also requested by the PAGCOR and we studied the PAGCOR Charter and we came up with the conclusion that although there is no specific provision in the charter of the PAGCOR that authorizes, to regulate e-sabong because of the time that the charter was enacted, there was no such thing as online sabong yet,” pahayag ni Guevarra.

Follow SMNI News on Twitter