Turismo sa Baguio City, bubuksan sa darating na Setyembre

Turismo sa Baguio City, bubuksan sa darating na Setyembre

MAKARAAN ang ilang buwang pagsasara dahil sa COVID-19 pandemic ay bubuksan ng Baguio City sa mga turista ang turismo ng lungsod sa susunod na buwan.

Ang pagbubukas ng turismo sa Pines City ay pangangasiwaan ng Baguio Visitor Information and Travel Assistance (VIS.I.TA) na ilulunsad ngayong buwan.

Cosmoswithlove

Ayon kay Mayor Benjamin Magalong sa bagong sistema limitado lamang ang makapapasok sa lungsod upang maiwasan ang pagdagsa ng turista at dapat din magsumite ng online application sa VIS.I.TA bago makipag-ugnayan sa accredited tour operators na maglalabas ng itinerary at tour accommodations.

Ang VIS.I.TA ay isang online registration system na ilulunsad ng pamahalaan ng Baguio sa loob ng buwang ito ng Agosto upang makatutulong sa pangangasiwa sa mga bisitang darating sa summer capital ng bansa.

Ang mga bisita ay sasailalim din sa PCR testing na babayarin din nila at kailangan munang manatili sila sa hotel habang hinihintay ang resulta ng swab test.

SMNI NEWS

 

Leave a Reply

Your email address will not be published.