Turkiye, suportado na ang aplikasyon ng Sweden sa NATO

Turkiye, suportado na ang aplikasyon ng Sweden sa NATO

SUPORTADO na ng Turkiye ang aplikasyon ng Sweden para maging miyembro sa North Atlantic Treaty Organization (NATO).

Ito ang ibinahagi ni NATO chief Jens Stoltenberg matapos pumayag si Turkish President Recep Tayyip Erdogan na ipadala na ang aplikasyon ng Sweden sa kaniyang parlyamento para maaprubahan.

Magandang development naman ang pagsuporta na ito ng Turkiye ayon sa Estados Unidos at Germany.

Sa ngayon, ang nananatiling nag-aaplay ng membership sa NATO ay ang bansang Ukraine, Georgia at Bosnia at Herzegovina.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter