HINILING ni TV host at digital marketing entrepreneur IC Mendoza sa online scammer na nanghingi ng P30-K sa kaniya na maibalik kahit partial lang muna ang kinuhang pera mula sa kaniya.
Sa kuwento ng TV host, kakilala niya mismo ang nanghingi ng pera.
Agad niya namang pinadalhan ng hinihinging pera subalit nagduda na aniya siya nang humingi ito ng karagdagang P40-K.
Dito na napag-alaman na na-hack pala ang account ng kaniyang kakilala.
Nang hiniling na ni IC na ibalik ang kaniyang napadalang pera ay agad na lang siyang binlock ng online scammer.