TV5, nahimasmasan kaya kumalas sa investment deal sa ABS-CBN – Atty. Gadon

TV5, nahimasmasan kaya kumalas sa investment deal sa ABS-CBN – Atty. Gadon

NAHIMASMASAN na ang TV5 sa naging kasunduan nito sa Alto Broadcasting System and Chronicle Broadcasting Network (ABS-CBN).

Ito ang inihayag ni Atty. Larry Gadon sa panayam ng SMNI News.

“Sa tingin ko ay nahimasmasan dito ang TV5 at naisip nila na delikado ito para sa kanila sapagkat ang ABS-CBN kasi meron ng sumpa ‘yan and hindi na nila matatanggal ‘yun. And, mahirap niyan, maaapektuhan ang TV5 kasi isang possibility kasi diyan ay tanggalin ang prangkisa ang tv kahit ‘di pa ito nage-expire,” pahayag ni Atty. Larry Gadon.

Dagdag pa ni Atty. Gadon, kapag hindi kumalas ang TV5 ay maaari itong matanggalan ng prangkisa kapag nakitaan ng paglabag at kahit ‘di pa ito expire.

Paalala pa ni Gadon na ang prangkisa ay libreng binibigay at pribilehiyo mula sa pamahalaan.

“And if you violate any rules or guidelines in the franchise ay puede itong bawiin anytime,” dagdag ni Gadon.

Saad pa ni Gadon, ang ABS-CBN ay tumanggap ng foreign funding at nakahalo na ito sa kanilang one money at kapag ito ay pinambili ng substantial share of stocks sa TV5, maaari ding mahawa ang TV5 sa paglabag nito.

May sumpa na ang ABS-CBN at kapag ito ay nakipagsanib-puwersa sa TV5, magkakaroon din ng sumpa ang kabilang estasyon saad pa nito.

Naniniwala rin si Gadon na may sariling sumpa ang TV5 ngunit ‘di pa ito nauungkat.

Samantala, bukod sa pagtanggap ng foreign funding, may iba pang violations ang ABS-CBN, tulad ng tax avoidance, titulo ng lupang kinatatayuan ng kanilang mga gusali at ilang mga gamit mula sa People’s Television, ani Atty. Gadon.

Ngunit sinabi noon ng ABS-CBN na binigay sa kanila ito ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ngunit wala silang maipakitang mga dokumento na magpapatunay sa kanilang mga claim.

Naniniwala rin si Gadon na isang malaking budol-budol ang nangyaring People’s Revolution sa bansa.

Magugunitang bago pa man nagkaroon ng hearing sa Kamara tungkol sa mga paglabag sa prangkisa ng ABS-CBN, si Atty. Gadon ay sumisigaw na sa ere tungkol sa mga paglabag ng kumpanya.

Follow SMNI NEWS in Twitter