KAUNA-unahang K-pop artist na nakapag-perform sa ‘Amazon Music Live’ sa Estados Unidos ang girl group na Twice.
Noong November 21 episode nang matunghayan ang performance ng nabanggit na girl group.
Ang ‘Amazon Music Live’ ay isang online streaming concert series na makikita tuwing Huwebes ng gabi pagkatapos ng National Football League (NFL).
Ang NFL naman ay ang pinakamalaking professional sports leagues sa Estados Unidos.
Kaugnay nito ay magkakaroon muli ng mini-album ang Twice kung saan sa title track nilang ‘strategy’ ay featured si Grammy-winning American rapper Megan Thee Stallion.
Ilalabas ito Disyembre 6, 2 PM Korea standard time.