Twitter account ng University of the Philippines, na-hack

Twitter account ng University of the Philippines, na-hack

NA-HACK ang Twitter account ng University of the Philippines (UP).

Kinumpirma ito ng Media and Public Relations Office ng UP.

Ayon dito, kahapon ng alas 7:00 ng gabi nang nangyari ang hacking.

Pinalitan ang pangalan ng account at ginawa itong Takashi Murakami.

Tinanggal din ang profile at cover photos ng UP at Tokyo na ang lokasyon ng account.

Hinikayat na muna ng UP ang kanilang komunidad na i-check ang latest announcements at updates ng paaralan sa pamamagitan ng ibang social media accounts nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter