INILABAS na ng Twitter Inc. ang kanilang market price para sa Twitter Blue Subscription.
Sa mga user ng android at IOS, nagkakahalaga ito ng 11 US dollars bawat buwan.
Ang annual plan naman para sa web users ay nagkakahalaga lang ng 84 US dollars.
Saklaw ng discount sa annual plan ang mga bansa tulad ng Estados Unidos, Canada, United Kingdom, Japan, New Zealand, at Australia.
Ang blue check mark, bagama’t libre para sa verified accounts ng mga politiko, sikat na personalidad, journalists at ibang public figures ay binabayaran na at magiging bukas na rin para sa lahat na handang magbayad.