MAS marami ang naitalang typhoid cases sa Metro Manila ngayong taon kumpara sa kaparehong panahon noong 2023.
Ayon sa Department of Health-Metro Manila Center for Health Development, mahigit 300 (361) ang naitala nilang kaso mula Enero 1 hanggang Nobyembre 9, 2024.
Mas mataas ito ng 23.37 percent kumpara sa 270 (278) lang noong nakaraang taon.
Ang typhoid fever ay isang sakit na nagmumula sa salmonella typhi bacteria.
Lumalaganap ito sa pamamagitan ng kontaminadong pagkain at tubig maging ang pagkakaroon ng close contact sa infected na indibidwal.