Tyrese Maxey, itinanghal na Most Improved Player ng NBA

Tyrese Maxey, itinanghal na Most Improved Player ng NBA

ITINANGHAL ng NBA bilang 2023-2024 Most Improved Player ang Philadelphia 76ers guard na si Tyrese Maxey matapos ang breakout all-star campaign.

Si Maxey ang ranked 11 sa league scoring average at ika-20 assists.

Mula sa kaniyang scoring average na 20.3 noong 2022-23, naging 25.9 na ito ngayong season.

Tinalo ni Maxey ang ibang finalists na sina Houston Rockets Center na si Alperen Segun at ang Chicago Bulls guard na si Coby White.

Nakakuha si Maxey ng 51 mula sa 100 first-place votes at nakakuha ng kabuuang 319 points.

Pumapangalawa naman si White na nakakuha ng 32 first-place votes at 305 points, at panghuli si Sengun na nakakuha ng six first-place votes at kabuuang 92 points.

Follow SMNI NEWS on Twitter