U-turn slot sa Gen. Tinio, isasara sa mga motorista ngayong araw

ISASARA ngayong araw ang u-turn slot sa Gen. Tinio para sa lahat ng mga motorista.

Ito ay upang bigyang-daan ang EDSA Busway project ng Department of Transportation (DOTr), na layong gamitin ang innermost lane na eksklusibo sa mga pampasaherong bus.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, noong 2020 pa sana ito isinara ngunit ipinagpaliban muna ito dahil sa pagdagsa ng motorista sa nagdaang holiday season.

Sa pagsasara ng u-turn slot, pinapayuhan ang mga apektadong sasakyan na lumiko sa Balintawak-Cloverleaf para makabalik ng EDSA southbound lane.

Ang nasabing u-turn slot ang huling slot na isasara ng MMDA sa EDSA northbound.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.