UAE at Jordan, pumirma ng kasunduan para sa mas malalim na kooperasyon sa renewable energy

UAE at Jordan, pumirma ng kasunduan para sa mas malalim na kooperasyon sa renewable energy

PUMIRMA ang Jordanian Minister of Energy na si Saleh Kharabsheh at UAE Minister of Industry and Advanced Technology na si Sultan Al-Jaber ng memorandum of understanding upang magkaroon ng kolaborasyon sa renewable energy.

Ang kasunduan ay pinirmahan sa sideline ng COP27 na isinagawa sa Sharm El-Sheikh.

Nakatala rito ang research cooperation para sa oportunidad sa investments sa wind energy projects, paglulunsad ng qualification at training program para sa Jordanian experts at engineers at pagtatatag ng green energy scholarships sa pagitan ng Jordanian at UAE Universities.

Ang kasunduan na ito sa pagitan ng Jordan at UAE ay sumasalamin sa mga hakbang ng pagpapababa ng greenhouse gas emission sa tatlumput isang porsyento.

Ayon naman kay Al-Jaber, sumasalamin ang kasunduan na ito ng mas matibay na ugnayan sa pagitan ng Jordan at UAE.

Follow SMNI NEWS in Twitter