UAE, magtatayo ng kolonya sa planetang Mars

UAE, magtatayo ng kolonya sa planetang Mars

ISANG top Emirati space official ang nagbigay linaw na handa ang United Arab Emirates (UAE) na ituloy ang ambisyon nitong magtayo ng kolonya sa Mars.

Inihayag ng manager ng Mohammed Bin Rashid Space Center sa Dubai na planong ituloy ng UAE ang magtayo ng settlement sa Mars sa taong 2117.

Ang pahayag ay mula kay Mars 2117 Manager Adrian Al Rais sa Future Innovation Summit noong Miyerkules.

Inihayag ni Al Rais na ilang mga tao ang hindi naniniwala sa settlement project na posible naman umano sa hinaharap.

Ayon sa Emirati manager, ang plano na magtayo ng kolonya sa Mars ay isang long-term initiative na posibleng mag-benepisyo sa mga mamamayan nito.

‘’Some people think about this like a fantasy but there is something definitely happening. The UAE has a vision and a clear path for the next 100 years,’’ ayon kay Adrian Al Rais, MBRSC manager.

Ayon kay Al Rais, ang inisyatibong ito ay hindi lamang tungkol sa space mission pero ito ay magbubuo rin ng libo-libong trabaho.

Matapos na matagumpay na pumasok sa Mars noong nakaraang taon ang Hope Spacecraft, ang Dubai ay plano nang magtayo ng 500 million dirham space city na nagsi-simulate ng kondisyon sa nasabing planeta.

Plano rin ng Emirata na magpadala ng rover sa buwan ngayong taon.

Ayon kay Al Rais, ang UAE ay magpapatuloy sa paggawa ng mga investment sa siyensya, teknolohiya at kalawakan dahil wala pa umanong teknolohiya na kayang magpadala ng tao sa planetang Mars.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter