MAY bagong launching date ang Moon mission ng United Arab Emirates (UAE).
Nag-anunsyo ng bagong araw para sa launch attempt ng first mission ng UAE sa buwan ang Mohammed Bin Rashid Space Center.
Ang Rashid rover ay ilulunsad na sa lunar surface sa darating na Miyerkules, Nobyembre 30.
Ang Emirates Lunar Mission ay dapat ilulunsad sa SpaceX Falcon 9 rocket sa Nobyembre 28.
Pero nilinaw ng Japan based iSpace na ang updated na schedule nito ay gagawin na lamang sa susunod na Miyerkules dahil sa masamang panahon.
Ayon sa MBSRC, ang integrated launch vehicle ay ilulunsad sa launch pad sa space launch complex 40 space force station sa Florida sa hinaharap.
Kapag nailunsad ito, ang spacecraft ay magsasagawa ng low energy route sa buwan at hindi direktang magtutungo rito.
Ibig sabihin nito ang rover ng UAE ay maglalanding sa buwan 5 buwan matapos itong ilunsad na tinataya namang aabot sa buwan ng Abril sa taong 2023.