UAE, nanawagan sa Iran na ibalik ang tatlong isla na inookupa nito

UAE, nanawagan sa Iran na ibalik ang tatlong isla na inookupa nito

HINIHIKAYAT ng United Arab Emirates (UAE) ang Iran na ibalik ang tatlong isla na inookupa nito sa mapayapang pamamaraan.

Sa kanyang speech sa ginanap na ika-77 UN General Assembly, ipinaliwanag ng ministro na muling hinihikayat ng UAE ang Iran na lumikas na sa tatlong emirati islands na kasalukuyan nitong inookupa kabilang na ang Greater Tunb, Lesser Tunb at Abu Musa.

Sa kanyang pahayag, mariin na ipinahayag ng ministro na sa kabila ng hindi pagresponde ng Iran sa panawagan ng UAE na ibalik ang mga isla sa loob ng 5 dekada, hindi ito titigil sa pag-claim ng karapatan nito sa mga nabanggit na isla.

Samantala, sa isang press statement na inilabas noong Setyembre 10, inihayag ng Tehran na ang tatlong isla ay parte ng teritoryo ng Iran.

Ang tatlong isla na ito ay matatagpuan sa silangan ng Arabian Gulf.

Matatandaan na taong 1971 pa nagpahayag ang UAE na parte ito ng bansa at hinihikayat ang Tehran na ibalik ito sa mapayapang pamamaraan.

Follow SMNI NEWS in Twitter