UAE, tutulong sa rehabilitasyon ng Pasig River

UAE, tutulong sa rehabilitasyon ng Pasig River

TUTULONG ang United Arab Emirates (UAE) sa gagawing rehabilitasyon sa Pasig River.

Sa ilalim ng dalawang memorandum of understanding na nilagdaan ng UAE partikular na ng non-profit organization na Clean Rivers at Pilipinas, magbibigay ang Middle Eastern country ng 20 million dollars para sa naturang pagpapaganda ng ilog.

Target ng rehabilitasyon na maging Chao Phraya River sa Bangkok, Thailand at Siene River aa Paris ang Pasig River.

Ang Clean Rivers ng UAE ay nakikipagtulungan sa iba’t ibang pamahalaan, mga pribadong sektor at civil society groups upang labanan ang problema ng plastic pollution sa mga ilog sa buong mundo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble