UAE, winakasan na ang lahat ng restriksyon sa COVID-19

UAE, winakasan na ang lahat ng restriksyon sa COVID-19

OPISYAL nang winakasan ng United Arab Emirates (UAE) ang lahat ng restriksyon sa COVID-19 sa buong bansa matapos ang ilang taon na pagpapatupad nito.

Kasabay ng pagbisita ng maraming turista sa UAE, winakasan na nang tuluyan ng gobyerno ang mga restriksyon sa COVID-19 upang ipakita sa mundo na handa na itong bumalik sa normal na buhay matapos masiguro ang kaligtasan sa kabila ng mga pagluluwag.

Simula ngayong linggo, ang pagsusuot ng face mask sa mga mosque, mga simbahan, open at closed facilities ay magiging opsyonal na ito.

Pero mananatili na mandatoryo ang pagsusuot ng mask sa mga ospital at iba pang pasilidad.

Higit pa rito, ang green pass para sa Al-Hosn application ay hindi na rin kinakailangan para sa mga pampublikong pasilidad at mga opisina ng gobyerno.

Samantala, mananatili pa rin ang lumang araw na isolation period sa mga indibidwal na positibo sa sakit kabilang na ang PCR testing.

Maaari ding kailanganin pa ang PCR testing at vaccination certificates para makapasok sa sporting events depende sa kahalagahan ng aktibidad.

Follow SMNI NEWS in Twitter