Ugnayan ng Chinese Embassy at SMNI Foundation sa pagbibigay ng tulong, mas lalong pinagtibay

Ugnayan ng Chinese Embassy at SMNI Foundation sa pagbibigay ng tulong, mas lalong pinagtibay

ISANG private dinner ang hinost ng Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian para kay Pastor Apollo C. Quiboloy  ng The Kingdom of Jesus Christ.

Gaya ng nakaugalian ng mga Chinese, nagsimula ang dinner sa pag-inom ng tsaa kasabay ng kwentuhan.

Sumentro ang hapunan sa usapin ng kultura ng dalawang bansa.

At kung gaano kalapit ang relasyon ng China sa Pilipinas buhat pa man sa mga nagdaang panahon.

“It’s always an honor for me to be invited by the Chinese Ambassador Huang Xilian to a dinner talk about many things, about our mutual friendship,’’ ayon sa butihing Pastor.

‘’Yes, I had a very pleasant meeting with Pastor and I also have a very fruitful discussion with him. And I have been enlightened through this kind of conversation,’’ ani Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Dahil sa magandang ugnayan, mas paiigtingin pa ngayon ng Chinese Embassy at ng SMNI Foundation ni Pastor Apollo ang tumulong.

Tulungan para makapagbigay ng ayuda at tulong sa ating mga kababayang nangangailangan lalo na tuwing panahon ng kalamidad.

May naunang partnership na ang SMNI Foundation at Chinese Embassy.

Naunang nagkaloob ng P4-Million ang Chinese Embassy para sa relief efforts sa mga biktima ng Bagyong Paeng kung saan libu-libong pamilya mula sa 6 na barangay sa Luzon, Visayas at Mindanao ang nakatanggap ng relief goods.

At ang huli ay ang P1-Million nitong Disyembre para pa rin sa relief efforts para sa libu-libong kataong naapektuhan ng matinding pag-ulan nitong Kapaskuhan.

‘’Yes, that’s an arrangement from both of us that we’ll continue to support each other’s advocacy for humanitarian efforts in helping our Filipinos who are in need of help everywhere, especially during calamities. This will be a continued partnership with our friendship with the Chinese ambassador and China in particular,’’ saad ni Pastor Apollo.

‘’And we have worked together to provide relief goods to those people affected by disasters. I think we believe that this kind of cooperation is very helpful. And we appreciate these efforts made by SMNI in extending support to the Embassy’s efforts, relief efforts in many locations throughout this country. We look forward to more even cooperation in helping the people in this country. And also we look forward to more opportunities to learn from each other in the future,’’ ayon kay H.E. Huang Xilian.

Kilala si Pastor Apollo bilang philanthropist na handang magbigay ng tulong sa panahon ng emergency sa pamamagitan ng mga itinayo nitong non-government organizations.

Kaya dahil sa totoong adbokasiya ng pagtulong sa mga nangangailangan, malaki ang tiwala ng Chinese Embassy sa butihing Pastor.

Tiniyak naman ni Pastor Apollo na mas marami pa ang maabot ng tulong ng SMNI Foundation katuwang ang Chinese government.

‘’Yes, yes, marami pa ang ating gagawing pagtulong kasama nila kung ano man yung maitutulong nila in joint effort with SMNI and our advocacy also for helping our brothers and sisters in our country,” ani Pastor Apollo.

 

Follow SMNI NEWS in Instagram