Ugnayan ng mambabatas sa Kamara, mas tatatag pa kung huhupa ang Romualdez-Arroyo issue—Rep. Recto

Ugnayan ng mambabatas sa Kamara, mas tatatag pa kung huhupa ang Romualdez-Arroyo issue—Rep. Recto

NANINIWALA si Rep. Ralph Recto na mas titibay pa ang ugnayan ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan kapag huhupa na ang kasalukuyang isyu.

Kaugnay ito sa pagtanggal kay Dating Pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang senior deputy speaker.

Sinasabing ang hakbang ay para mabawasan ang pasanin na tungkulin ni Arroyo.

Ngunit lumulutang din ang umano’y kudeta ng Dating Pangulo para mapatalsik sa puwesto si House Speaker Martin Romualdez na itinatanggi naman ni Arroyo.

Ayon kay Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto, ang ‘miscommunication’ sa pagitan nina Romualdez at Arroyo ay hindi naman magiging rason para mabuwag ang alyansa ng karamihang mambabatas.

Wala rin aniyang panahon ang mga mambabatas na tutukan ang mga intriga dahil mas maraming problema ang bansa na dapat mas unahin.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter