Ugnayan ng Sweden at Pilipinas para sa infra projects ng bansa, selyado na

Ugnayan ng Sweden at Pilipinas para sa infra projects ng bansa, selyado na

SELYADO na ang ugnayan ng gobyerno at Sweden hinggil sa pagpapaganda ng sistema ng transportasyon at mga imprastraktura ng Pilipinas.

Kasunod ito sa nilagdaan na government-to-government financial and development cooperation agreement ng dalawang bansa noong Nobyembre 22, 2024.

Sa pamamagitan ng kasunduan, tutulong ang Sweden sa Pilipinas sa larangan ng sustainable infrastructure, public transportation, renewable energy, at water management.

Sa iba’t ibang proyekto gaya ng EDSA Busway Project, Iloilo Bus Rapid Transit, Subic-Clark-Manila-Batangas Railway Project ay magiging katuwang na rin ng pamahalaan ang Sweden.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter