BIBISITA sa Italy si British Home Secretary James Cleverly bilang bahagi ng hakbang ng United Kingdom para talakayin ang mga paraan tungo sa pagpipigil sa mga migranteng dumarating sa kanila gamit ang maliliit na bangka.
Matatandaang matagal nang sinabi ni British Prime Minister Rishi Sunak na mai-deport ang asylum-seekers papuntang Rwanda subalit palagi lang itong nahaharang ng human rights advocates.
Para sa Britain, haharangin nila ang mga migrante lalo na’t madalas ay sa mga delikado dumadaan ang mga ito.
Maliban dito ay bibisita rin si Cleverly sa Lampedusa, ang pinakatimogang isla sa Italy na tumatanggap ng halos 7-K migrante mula sa Tunisia sa isang araw noong Setyembre 2023.