HINIMOK ni UK Prime Minister Keir Starmer ang bagong presidente ng Iran na tigilan na ang pag-atake sa Israel, ito ay sa pamamagitan ng pag-uusap sa telepono.
Sinabi ni Keir kay Masoud Pezeshkian, delikado ang kanilang ginagawa at oras na para kumalma at isaalang-alang ang kaligtasan ng mga residente.
Inilabas ang naturang usapan matapos maglabas ng joint statement ang US, France, Italy and Germany na hinihimok ang Iran na wakasan ang kanilang pananakot at patuloy na pag-atake sa Israel.
Ito ang unang pag-uusap sa pagitan ng dalawang bansa simula noong Marso 2021 noong nagkaroon din ng pag-uusap ang dating British Leader Boris Jhonson at Hassan Rouhani.