Ukraine, umaapela sa mga kaalyado ng mas mabilis na pagpapadala ng armas

Ukraine, umaapela sa mga kaalyado ng mas mabilis na pagpapadala ng armas

UMAAPELA si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy sa kanyang mga kaalyadong bansa na bilisan ang pagpapadala ng armas.

Aniya, itoy dahil ang pagkakaantala ng pagdating ay isa ring banta para sa kanilang seguridad.

Partikular na mga armas na ninanais at inaapela ng Ukraine ay mga fighter jets at high-end battle tanks.

Bilang tugon ay ipinangako ni French President Emmanuel Macron na mas dodoblehin niya pa ang ipinadadalang tulong sa Ukraine.

Si German Chancellor Olaf Scholz ay nangako ring magpadala ng Leopard 2 armoured vehicles.

Follow SMNI NEWS in Twitter