Ulat ng HelloSafe na naglalagay sa Pilipinas bilang ‘least safe’, tinanggal na ng DICT

Ulat ng HelloSafe na naglalagay sa Pilipinas bilang ‘least safe’, tinanggal na ng DICT

AGAD na nakipag-ugnayan ang Department of Tourism (DOT) sa DICT para imbestigahan ang HelloSafe, matapos ang paglalabas ng pekeng safety index na nagsasabing delikado ang Pilipinas sa mga turista.

Giit ni DICT Secretary Henry Aguda mali ang datos ng HelloSafe kaya ipinatatanggal na nila ang lahat ng post tungkol dito.

Sinabi pa ni Aguda na hinahabol na ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang mga nasa likod ng HelloSafe, kahit nasa abroad pa ang mga ito.

“Sa HelloSafe mali ang data nila eh. Pinagtatanggal na namin. So tawag dun take down. Tinake down na. Tapos ngayon ang CICC, Cybercrime Investigation Coordinating Council are pursuing them kahit nasaan pa sila. So maghintay hintay tayo in a couple of weeks malamang mayroon na silang update diyan,” pahayag ni Sec. Henry Aguda, Department of Information and Communications Technology.

Mga nasa likod ng HelloSafe hahabulin ng DICT kahit nasa ibayong dagat pa

Naniniwala si Aguda na dapat managot ang HelloSafe kung mapapatunayang may nilabag itong batas, kahit nasa ibang bansa pa ang mga sangkot.

“Dapat lang. Kapag nagkaroon ka ng kasalanan, dapat panagutin. Pero syempre dadaan dapat sa due process. Dapat iyan may due process. Tapos kung sa due process, lumabas may problema ay dapat kasuhan.”

“Ang cybercrime cross border iyan eh,” dagdag ni Aguda.

Nagpaalala rin si Aguda sa publiko na huwag basta-basta maniwala sa mga datos na nakikita sa social media o iba pang online platforms.

Aniya dapat maging masusi.

“Well, maging masusi. Kapag tingin niyo may pagkamali, eh huwag niyo munang pansinin or i-verify niyo. Anything that’s good to be true malamang mali. Anything naman na nagpa-panic o nag-create ng commotion, malamang sensationalism. So, maging discriminating. ‘Yun lan tapos makipag-usap sa mga authorities kung tama o hindi,” ani Aguda.

Matatandaang nauna nang pinuna at pinaiimbestigahan ng Department of Tourism ang inilabas ng HelloSafe na safety index, dahil sa umano’y kawalan nito ng malinaw na metodolohiya at datos.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble