Umano’y 37 pulis-Davao na nagpositibo sa ilegal na droga, fake news—PNP PIO

Umano’y 37 pulis-Davao na nagpositibo sa ilegal na droga, fake news—PNP PIO

HINDI mga pulis kundi pawang mga sibilyan ang nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga sa Davao City.

Ito ang nilinaw ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng kumalat na balita na mayroon umanong 37 tauhan ng Davao City Police Office na sinibak dahil sa paggamit ng ilegal na droga.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo, batay sa ulat ng Police Regional Office 11, lumalabas na hindi mga pulis kundi mga sibilyan ang nahuling gumagamit ng droga.

“Gusto lamang po natin i-correct ito pong report na ito na ang nag-positive po sa drug test ay mga civilian employee po ng LGU po ng Davao. Hindi po PNP members ang mga ito. Nakausap ko po ‘yung Police Regional Director po ng Police Regional Office 11 and in fact hindi po ‘yung ating forensic group ang nag-conduct ng drug test dahil ito po ay mga civilian employee, gusto lang po natin i-correct po ‘yun,” pahayag ni Col. Jean Fajardo, Chief, PNP-PIO.

Una nang kinondena ng Davao City Police Office ang anito’y pagpapakalat ng fake news mula sa isang istasyon ng radyo hinggil sa usapin na ngdudulot ng hindi magandang epekto sa imahe ng pulisya.

“We would like to address the recent news reported by NOLI DE CASTRO OF DWPH RADYO 630 TELERADYO SERBISYO BALITA, posted on social media on June 4, 2024, under the headline “RE. BARBERS: 37 PULIS SA DAVAO NAG POSITIBO SA DRUG TEST,” opisyal na pahayag ng Tanggapan ng Pulisya ng Lungsod ng Davao hinggil sa balitang ipinahayag noong Hunyo 4, 2024, sa ganap na 7:55 ng umaga sa DWPM Radyo 630 Teleradyo Serbisyo Balita.

Sa katunayan, nang sumailalim sa drug test ang lahat ng Davao City Personnel, lumabas na negatibo ang resulta ng mga ito.

“Davao City Police Office (DCPO) recently conducted a surprise drug test on May 30, 2024, and all personnel tested negative for methamphetamine hydrochloride (shabu). We want to inform everyone that in previous months, this office conducted regular random drug tests to all DCPO personnel, and based on records, all were tested NEGATIVE results,” opisyal na pahayag ng Tanggapan ng Pulisya ng Lungsod ng Davao hinggil sa balitang ipinahayag noong Hunyo 4, 2024, sa ganap na 7:55 ng umaga sa DWPM Radyo 630 Teleradyo Serbisyo Balita.

Sa kabila ng paglilinaw, pinatulan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang isyu kasabay ng plano nitong pagsiyasat sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa huli, nakikiusap ang DCPO sa publiko na itigil na ang pagpapakalat ng peke at malisyosong mga balita na nagdudulot ng duda sa publiko. Pwede rin anila kasi itong makaapekto sa tiwala ng publiko sa kanilang kapulisan.

Kasabay nito ang pagsisiguro na prayoridad mismo ng Davao City Police ang pagpapatupad ng programa at kampanya para siguruhing ligtas ang mamamayan ng Dabaw.

“We appeal to the public not to share or spread this false information, as it can cause doubt and affect public trust.”

“Davao City Police Office (DCPO) is still committed to serving with utmost sincerity and dedication to ensure the security and safety of Dabawenyos and the city,” opisyal na pahayag ng Tanggapan ng Pulisya ng Lungsod ng Davao hinggil sa balitang ipinahayag noong Hunyo 4, 2024, sa ganap na 7:55 ng umaga sa DWPM Radyo 630 Teleradyo Serbisyo Balita.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble