Umano’y 37 pulis-Davao na nagpositibo sa ilegal na droga, fake news—PNP PIO

Umano’y 37 pulis-Davao na nagpositibo sa ilegal na droga, fake news—PNP PIO

HINDI mga pulis kundi pawang mga sibilyan ang nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga sa Davao City.

Ito ang naging paglilinaw ng Philippine National Police (PNP) kasunod ng kumalat na fake news na mayroong 37 tauhan ng Davao City Police Office ang umano’y gumagamit ng ilegal na droga.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo, batay sa ulat ng Police Regional Office 11, lumalabas na hindi mga pulis kundi sibilyan ang nahuling gumagamit ng droga.

“Gusto lamang po natin i-correct ito pong report na ito na ang nag-positive po sa drug test ay mga civilian employee po ng LGU po ng Davao. Hindi po PNP members ang mga ito. Nakausap ko po ‘yung Police Regional Director po ng Police Regional Office 11 and in fact hindi po ‘yung ating forensic group ang nag-conduct ng drug test dahil ito po ay mga civilian employee, gusto lang po natin i-correct po ‘yun,” saad ni Col. Jean Fajardo, Chief, PNP-PIO.

Una nang kinondena ng Davao City Police Office ang anito’y pagpapakalat ng fake news mula sa isang istasyon ng radyo hinggil sa usapin na ngdudulot ng hindi magandang epekto sa imahe ng pulisya.

“We would like to address the recent news reported by Noli de Castro of DWPH Radyo 630 Teleradyo Serbisyo Balita, posted on social media on June 4, 2024, under the headline “Re. Barbers: 37 Pulis sa Davao nag positibo sa drug test,” opisyal na pahayag ng Davao City Police Office (on the news aired on June 4, 2024, at 7:55 am on DWPM Radyo 630 Teleradyo Serbisyo Balita).

Sa katunayan, nang sumailalim sa drug test ang lahat ng Davao City personnel, lumabas na negatibo naman ang resulta ng mga nito.

“Davao City Police Office (DCPO) recently conducted a surprise drug test on May 30, 2024, and all personnel tested negative for methamphetamine hydrochloride (shabu). We want to inform everyone that in previous months, this office conducted regular random drug tests to all DCPO personnel, and based on records, all were tested NEGATIVE results,” opisyal na pahayag ng Davao City Police Office (on the news aired on June 4, 2024, at 7:55 am on DWPM Radyo 630 Teleradyo Serbisyo Balita).

Sa kabila ng paglilinaw, pinatulan ni Surigao del Norte Rep. Rober Ace Barbers ang isyu kasabay ng plano nitong pagsiyasat sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa huli, nakikiusap ang Davao City Police Office sa publiko na itigil na ang pagpapakalat ng peke, mga mali at malisyosong balita na nagdudulot ng duda at maaaring makaapekto sa tiwala ng kanilang publiko.

Kasabay nito ang pagsisiguro na prayoridad mismo ng Davao City Police ang pagpapatupad ng programa at kampanya para siguruhing ligtas ang mamamayan ng Dabaw.

Follow SMNI NEWS on Twitter