Umano’y bias na pagbabalita ng ABS- CBN, tinalakay sa Kamara

Umano’y bias na pagbabalita ng ABS- CBN, tinalakay sa Kamara

INUNGKAT sa hearing ngayong hapon sa Kamara ang istilo ng pagbabalita ng ABS- CBN o ang isyu ng media bias laban sa network.

 

Umpisa pa lamang ng hearing ay umalma na agad si Committee on Public Accounts Chairman Mike Defensor dahil sa position paper ng ABS- CBN laban sa kaniya.

 

Sa kasagsagan ng talakayan kaugnay sa alegasyon na bias media ang ABS- CBN, pinabulaanan ni Defensor na gusto nitong matanggal ang news and public affairs ng kumpanya dahil sa biased reporting.

 

“Ang sabi ko doon sa show na ‘yun sa June 25 na sana  umabot tayo doon sa sitwasyon na temporarily baka naman pupuwede dahil nagreklamo si Cong. Dante Marcoleta, Cong. Boying Remulla, siguro wala na muna ‘yung sa news and public affairs division… not to silence the news and public affairs division but to allow the Digibox to continue para sa inyong pabor na makalma ko ‘yung aking mga kasama na huwag ipasara ang Digibox out of toleration na hindi mawalan ng trabaho ang mga tao. Ma’am Cory Vidanes after that hearing… before the hearing of that Digibox kinausap niyo rin ako sabi “sana tulungan niyo na sana huwag niyong ibitin ang Digibox” and now you come up with this position saying that I am saying that —to close the news and affairs division?” paghahayag ni Defensor.

 

Laban bawi naman ang sagot ng ABS- CBN.

 

“We note the sentiments of the honorable Congressman Defensor. Wala naman po kaming masasabi pa,” sagot ng Head of Integrated News and Current Affairs ng ABS-CBN.

 

“Congressman Mike, Sorry po hindi po noted ang sagot namin. I want to take reasonability for what was written in this position paper. I didn’t realize this was an allusion to you. Please allow us to review the statement and if it needs to be corrected we will submit a revised version to the ComSec with your permission Mr. Chair,” ang paghingi ng paumanhin ni ABS-CBN President & CEO Carlo Katigbak.

 

Sumentro ang hearing ngayong araw sa isyu ng media bias laban sa ABS- CBN sa pagbabalita pati na ang content ng mga programa nito sa TV.

 

Unang pumuna sa pagbabalita ng ABS- CBN si former Health Secretary Janette Garin kaugnay sa isang 2014 news report ng kompanya.

 

Ayon kay Garin, malaki ang naging epekto ng balita kaugnay sa mga pasyenteng may psoriasis na naging subject ng kanilang balita.

 

“Did we ever think of the patient, of the families, of the psoriasis patients out there who have to live out there who was to live with the day-to-day stigma and discrimination?…And here is our major TV network, bloating the issue,” hinaing ni Garin sa giant network.

 

“Ang news po dapat maliwanag na it’s very factual. Malinaw po sa ating code ay sinasabing news should always be factual at hindi po iko-confuse ito sa mga commentaries,” paglilinaw naman ni Jun Nicdao, President ng Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas.

 

Ayon naman sa ABS- CBN, pinatawan ng mabigat na penalty ang mga nasa likod ng nasabing balita.

 

Pinuna rin ni Garin ang news report ng ABS- CBN sa Silawan Murder Case noong 2019.

 

Inireklamo din nito ang madalas na panayam ng ABS- CBN sa mga doctor na walang malalim na kasanayan sa mga sakit na tumatama sa bansa.

 

Inungkat din ni Garin ang issue ng Dengvaxia Vaccine kung saan si Garin ang binabanatan noon sa mga balita.

 

“Sino yung eksperto na sinasabi ninyo?” pagtatanong ni Garin sa ABS-CBN.

 

“I cannot remember at the top of my head your honor but I do remember that we have several news stories that we aired in our various platforms on Dengvaxia,” sagot ni Reyes.

 

Giit ni Garin, mistulang nagiging blocktime ng ABS- CBN na siraan ang mga matitinong opisyal ng pamahalaan.

 

Samantala, narito pa ang pahayag ni Garin hinggil sa pagbabalita ng ABS- CBN sa mga isyung may kaugnayan sa kalusugan.

 

 

Ang isyu ni Garin sa network, ang epekto ng public health mis-information sa mga Pilipino.

 

Hindi lamang yan, ang inusisa din ni Bishop at House Minority Leader Benny Abante ang morality issues na kinakaharap ng network.

 

Kabilang dito ang pagpalalabas ng mga sensored at gender sensitive na mga palabas sa telebisyon, mga malalaswang content sa mga palabas na may malaking epekto sa mga kabataan.

 

Tinanong ni Congressman Abante ang social relevance ng mga ganitong klaseng content na lumalabas sa mga programa ng ABS- CBN.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.