Umano’y bulto-bultong smuggled fireworks, ibinagsak sa Bulacan; PRO3 pinabulaanan ang isyu

Umano’y bulto-bultong smuggled fireworks, ibinagsak sa Bulacan; PRO3 pinabulaanan ang isyu

MARIING pinabulaanan ni Police Regional Office (PRO) 3 Director Redrico Maranan ang impormasyong may ibinagsak umano na bulto-bultong smuggled fireworks sa Bulacan.

Ayon kay General Maranan, wala itong katotohanan at agad nilang paiimbestigahan ang impormasyong ito.

Nauna nang tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na mahigpit ang kanilang pagbabantay laban sa mga ilegal na paputok sa layong maging ligtas ang publiko ngayong Kapaskuhan at pagsalubong sa Bagong Taon.

Pinapayuhan ng mga awtoridad ang publiko na sa mga lehitimong tindahan lamang bumili ng mga paputok para makaiwas sa anumang disgrasya o pinsala.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter