HINDI kumpirmado ng World Health Organization (WHO) ang umano’y pagkakaroon ng panibagong epidemya sa China.
Sa kabila ito ng mga kumakalat na video sa social media kung saan masikip na umano muli ang mga ospital doon ngayon.
Sinasabing lumalaganap ulit sa China ang ilang uri ng virus gaya ng influenza A, human metapneumovirus (HMPV), mycoplasma, pneumoniae at COVID-19 dahilan ng pagkakaroon ng mga patient admission sa mga ospital.
Nagdeklara na rin umano ng ‘state of emergency’ sa nabanggit na bansa.
Samantala, sa paliwanag ng Chinese state broadcaster na CCTV, ang naitalang pagtaas ng kaso ng respiratory infectious diseases doon ngayon ay madalas anilang nararanasan tuwing taglamig at tagsibol.