Umano’y irregular police ops ng PNP-ACG, NCRPO sa Century Peak Tower, gustong paimbestigahan sa DILG

Umano’y irregular police ops ng PNP-ACG, NCRPO sa Century Peak Tower, gustong paimbestigahan sa DILG

PLANO nang magsampa ng Century Peak Holdings, Inc. ng pormal na reklamo laban sa mga pulis na sangkot sa paglusob sa kanilang gusali noong Oktubre 29.

Napag-alaman na sinalakay ng kapulisan ang Century Peak Tower sa Ermita, Maynila dahil sa alegasyon na may nag-ooperate doong Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Sa letter complaint na ipinadala ng may-ari ng gusali sa DICLG, inilahad nito ang mga irregular na nangyari sa operasyon gaya na lamang ng paggalaw o pag-disable sa mga CCTV at ang ginawang pagbarikada ng kapulisan na nagbigay daan sa kanila na gumawa ng mga aksiyon na walang presensiya ng mga witnesses.

Hinarangan din ng mga pulis ang entry at exit point ng gusali.

Sinalakay rin ang isang unit sa 32nd floor gayung sa 23rd floor lamang ang nakasaad sa search warrant.

Ang Vertex Technological Corporation na subject ng search warrant ay noon pang 2023 umalis sa gusali at ibang kompanya na ng BPO ang umuokupa sa lugar.

Reklamo rin ng may-ari, ang ginawang pag-aresto ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa 75 katao at pagdetine sa kanila sa loob ng 48 oras na walang legal na basehan.

Ang sobrang presensiya ng kapulisan ay hindi lamang anila naging sagabal sa galaw ng mga tenant at ng mga staff, naging daan din ito para puwersahang bakantehin nila ang gusali ayon sa sulat.

Ang ginawa ng mga pulis ay nagdulot anila ng pangamba sa lahat ng mga occupant ng gusali, na hindi lamang nakaapekto sa normal na operasyon ng mga ito kundi pati na rin sa kanilang financial stability at ng kanilang reputasyon.

Dahil na rin sa insidente, mahalaga anila ang accuracy at accountability sa pagpapalabas ng search warrant para mapigilan ang mga pag-abuso.

Bukod sa liham sa DILG, magpapadala rin ang may-ari ng gusali ng liham sa NAPOLCOM para humiling ng imbestigasyon maliban pa sa paghahain ng reklamo sa korte na nag-isyu ng search warrant sa mga pulis.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble